Kilalanin ang housekeeping attendant sa isang kilalang resort sa Batangas by day at TODA Member by night! Isang empowered na solo parent na pursigido kumayod para sa kanyang pamilya. Halina’t alamin ang kwento ni Hasmin Benitez, isang TODA member na hindi kailanman umatras sa bawat hamon ng buhay kasama ang Bajaj RE!

Hassle-Free Tibay Ride- “Napakaswerte ko sa bukyo na ito, hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo. Malakas, at subok na para sa akin kahit 2019 pa ito,” ayon kay  Hasmin. Sa kahabaan at paahon na kalsada ng Batangas, hindi matinag ang kanyang Bajaj RE. Bitbit ang 198cc engine, buo pa rin ang hatak at lakas sa bawat pasada kahit ilang taon na ang lumipas. Sa Bajaj RE, bigtime ka sa tibay at laging ready sa bigtime na pasada!

 Raket-Tipid Partner- “Wala akong masabi sa tipid ng gasolina. Sa 300 pesos kada linggo, hindi na mabigat sa bulsa dahil marami na akong naihahatid. Bihira ko pa itong ipagawa” kwento ni Hasmin. Para sa kanya, bawat pasada ay mahalaga. Kaya malaking tulong ang fuel injection system ng Bajaj RE. Mas kontrolado ang konsumo ng gasolina, mas sulit bawat litro. Hindi rin kailangan ng madalas at magastos na maintenance, kaya tuloy-tuloy lang ang kita. Bigtime sa tipid, kaya bigtime rin ang kita!

Ginhawa on Point – “Sobrang laking comfort na hindi tanggal ng tanggal ng trapal pag naulan at hindi masakit sa katawan pag ako’y namamasada dahil kumportable ang nauupuan ko,” pahayag ni Hasmin. Sa Bajaj RE na may symmetrical hood, hindi nababasa ang mga sakay nito kahit sa biglang buhos ng ulan. Dagdag pa rito ang ergonomic seats na may car-type comfort, sa tuloy tuloy na pasada. Kaya naman sa pila ng TODA walang duda na ito ang First Choice!

Kung usapang extra kayod at Bajaj RE, ito ang kombinasyong walang kapantay pagdating sa tunay na lakas sa pasada. For as low as 7,500 monthly, pasok sa budget ng isang madiskarteng nanay ang Bajaj RE! Para sa mga inquiries at orders, i-click ang link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow o kaya ay mag tungo sa www.bajaj.com.ph para malaman ang pinakamalapit na authorized dealer.


Discover more from GenSan News Online

Subscribe to get the latest posts sent to your email.