Ka-Bajaj, aakalain mo bang 100K na tayo? Patunay na number 1 talaga ang Bajaj sa puso ng bawat Pilipino!
Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng Trimotors Technology Corporation, exclusive distributor ng Bajaj Three-wheelers dito sa Pinas, ang 100,000+ sales-mark na itinuturing na pinakamalaking milestone ng kumpanya. Kasabay nito ay inilusad rin ang bagong klase ng Bajaj Three-wheeler:

BAJAJ BLACK BIDA EDITION
Kapansin-pansin ang kasimplehan ng limited edition model ng Bajaj Black Bida Edition dahil sa “Sleek Black” na kulay nito, metal plated “100K Ka-Bajaj” Emblem dagdagan pa ng die-cut “World’s Number 1 Three-wheeler” sticker na sumisimbulo sa pagkamit ng 100,000+ total running Bajaj three-wheeler units sa bansa. Available sa halagang Php 203,888 at Php 239,888 SRP, 500 units lamang an nakalaan ibenta para sa Bajaj RE at Bajaj Maxima Z models na may ganitong kulay nationwide.

Makikitang kahit walong taon pa lamang simula nang unang mag-distribute ng Bajaj Three-wheelers dito sa bansa ay napatunayan nang higit 100,000 Pilipino ang sumubok sa tipid, tibay at comfort nito. Bajaj Three-wheelers din ang naging susi ng mga Pilipino sa pag-asenso! Para sa karagdagang impormasyon bumisita sa www.bajaj.com.ph o kaya’y mag-inquire sa https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow