Am sure na naranasan na ng mga maliliit na negosyante ang ma-hassle sa pag-apply ng loan. Nandyan ang mahabang proseso at napakaraming requirements, yun pala nama’y maliit na loan amount lang ang mahihiram. Kaya tuloy ang planong mapalaki ang business, hindi nangyari.
Sa BDO Network Bank (BDONB), easier na ang process at simpler na angrequirements sa pag-aapply ng loan. Most of all, siguradong mabibili ang planong additional inventory/equipment para makapag-expand ng negosyo dahil hanggang P1 milyon ang maaring maipahiram.
Sa pamamagitan ng BDONB Kabuhayan Loan, pwedeng madagdagan ang puhunan ng mga maliliit na negosyante o MSMEs upang mapalaki pa ang kanilang business. Ito ang naging karanasan ni Josephine Saig, isang mananahi ng mga school uniform at sports jersey.
Josephine Saig and her husband
Dahil sa BDONB Kabuhayan Loan, nakabili si Josephine ng sapat na materyales para mag-shift ng negosyo—mula sa paggawa ng mga uniporme at jersey, gumagawa na siya ngayon ng mga reusable at washable face masks. Hanggang ngayon, masigla at patuloy pa rin ang kanyang negosyo.
“Mabuti na lang po may bumisita na taga-BDONB sa shop. Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa Kabuhayan Loan. Mabilis lang po magpa-approve. Wala pong collateral at madali lang ang requirements. Pwedeng hulugan hanggang 24 months,” sabi niya.
Available ang Kabuhayan Loan sa mga MSMEs na tumagal na ng 3 taon ang negosyo at kumikita ng at least P15,000 na weekly sales. Hindi na rin kailangan ng collateral sa pag-aapply. Pwedeng makapag-loan mula P30,000 hanggang P1,000,000 na may installment term na 12 to 24 months. Meron din itong Credit Life Insurance kung saan protektado ang pamilya ng borrower mula sa financial burden.
Sa panahon ng pandemya, napatunayan na ang mga MSMEs ang nagbibigay ng kabuhayan sa mga komunidad. Sa kanila nakadepende ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya at ang lahat ay umaasa sa MSMEs para sa mga essential needs tulad ng pagkain. Bukod dito, ang mga MSMEs ang nagbibigay ng trabaho sa mas nakararaming Pilipino.
“Ang BDONB ay nariyan sa inyong bayan at handang suportahan ang mga MSMEs sa pamamagitan ng Kabuhayan Loan. Libo-libong mga MSMEs na ang nakinabang at lumago dahil dito, lalo na noong matindi ang pandemya at nagkulang ang cash flow at puhunan ng mga MSMEs,” ani Karen Cua, senior vice president for MSME Loans ng BDONB.
Para sa mga gustong mag-avail ng Kabuhayan Loan, mag-send lang ng private message sa BDONB PH Facebook Page o kaya ay magpunta sa pinakamalapit na BDONB branch sa inyong Lugar. Pwede ring mag-apply online. I-click lang ang link https://www.bdonetworkbank.com.ph/kabuhayan-loan.
Discover more from GenSan News Online
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
Be the first to write a comment.