Senatorial candidates Monsour Del Rosario, Raffy Tulfo, and Gen. Guillermo Eleazar have joined forces in their campaign, championing their common goal to serve the Filipino people. Dubbed the “New Idols of the Senate,” the trio appeared together in a grand held on May 5 in Cauayan, Isabela – Tulfo’s hometown.
Although considered newbies in the Senate, Del Rosario, Tulfo, and Eleazar have all made huge contributions to society. Each carrying an impressive track record, credibility, and incorruptible image.
Monsour Del Rosario has been in public service for nine years. After leaving showbiz in the late ‘90s, he served as a councilor in District 1 of Makati City for six years, until becoming a congressman from 2016 to 2018. During his three-year-term in the 17th Congress, he passed 292 house bills and resolutions, including the Telecommuting Act, better known as Work From Home Law, which became very useful to many Filipinos workers when the COVID-19 pandemic erupted in 2020.
“Monsour gave honor to our country way back in 1988. He is an Olympian. Apart from that, he became a member of the 17th Congress so he has experience as a legislator,” said Tulfo, who also called Del Rosario “fearless” when it comes to defending the rights of the people against those who trample on them.
Meanwhile, through his radio and television programs as well as his Youtube channel, Raffy Tulfo has helped thousands of ordinary Filipinos. From cracking down on abusive employers, corrupt government officials, and even disputes between neighbors or relatives, Tulfo helps bring people to the right place so that their problems can be solved and they can receive justice.
Guillermo Eleazar, on the other hand, proved his courage and integrity in his decades of service to the people as a policeman. In 2021, Eleazar became Chief of the Philippine National Police and received the Philippine Legion of Honor, one of the highest levels of honor in the country. In his bid for the Senate, Eleazar wants to continue his quest to curb crime and intensify peace and order in the country to help our economy grow.
“If we all get into Magic 12 of the senate, I will be thrilled to work with Raffy Tulfo and Gen. Guillermo Eleazar, who I know have a sincere heart and mind for public service. They’ve helped so many Filipinos as a broadcaster and as a policeman, respectively, so I know they can do even more in the senate. Together we will continue what I started when I was still in congress and we will fight for the rights and welfare of every Filipino. I thank the people of Isabela for welcoming Team Monsour with open arms, ”said Del Rosario.
Monsour Del Rosario, Raffy Tulfo, at General Guillermo Eleazar – mga “Bagong Idol Ng Senado”
Nagsanib pwersa sa kanilang kampanya ang tatlong senatorial candidates na may iisang layunin na makapaglingkod sa sambayanang Pilipino. Sina Monsour Del Rosario, Raffy Tulfo, at Gen. Guillermo Eleazar ang tinagurian mga “Bagong Idol Ng Senado. Dinumog ang tatlong kandidato sa naganap na grand rally nitong May 5 sa Cauayan, Isabela, ang hometown ni Tulfo,
Bagamat maituturing na bagito sa pagka-Senador, sina Del Rosario, Tulfo, at Eleazar ay kapwa marami nang naiambag sa lipunan. Lahat may track record, may kredibilidad, at walang bahid ng korapsyon.
Si Monsour Del Rosario ay siyam na taon nang nasa public service. Matapos lisanin ang showbiz, anim na taon siyang nagsilbing konsehal sa District 1 ng Lungsod ng Makati, hanggang sa maging congressman mula 2016 hanggang 2018. Sa tatlong taon niya sa Kongreso ay nakapagtala siya ng 292 house bills and resolutions, kabilang na ang Telecommuting Act o mas kilala bilang Work From Home Law na napakinabangan nang husto ng maraming Pilipino nang pumutok ang pandemya noong 2020.
“Si Monsour ay nagbigay ng karangalan sa ating bayan way back in 1988. Olympian siyang maituturing. Bukod pa riyan, siya ay naging miyembro ng 17th Congress so meron siyang karanasan bilang isang legislator,” ayon kay Tulfo. “Okay ito maging kasama sa senado. Walang kakatakutan pagdating sa tama. Pag kami’y nagkasama sa senado, maaasahan niyo po gagawa kami ng maayos na trabaho na walang kinatatakutan – lahat tablado, lahat ng mga loko-loko,” dagdag pa niya.
Samantala, sa pamamagitan ng kanyang mga programa sa radyo at telebisyon, pati na sa kanyang Youtube channel, ay ilang libong ordinaryong mamayang Pilipino na ang natulungan ni Raffy Tulfo. Mula sa pagsugpo sa mga mapang-abusong employer, tiwaling opisyal ng gobyerno, at hanggang sa alitan ng magkakapitbahay o magkakamag-anak ay natutulungan ni Tulfo na mailapit ang mga tao sa tamang kinauukulan upang mabigyang solusyon ang kanilang problema at makatanggap sila ng hustisya.
Napatunayan naman ni Guillermo Eleazar ang kanyang tapang at integridad sa ilang dekadang pagsisilbi sa bayan bilang isang pulis. Taong 2021 nang maabot ni Eleazar ang pinakamataas na posisyon sa pulisya bilang Chief ng Philippine National Police. Ginawaran rin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Philippine Legion of Honor award noong 2021, na isa sa pinakamataas na antas ng karangalan sa bansa. Sa kanyang pagtakbo sa Senado, nais ipagpatuloy ni Eleazar ang kanyang hangarin na masugpo ang krimen at paigtingin ang peace and order sa bansa upang matulungan umangat ang ating ekonomiya.
“Kung kami ay papalaring makapasok sa Magic 12 ng senado, excited akong makatrabaho sina Raffy Tulfo at Gen. Guillermo Eleazar na alam kong tapat ang puso at isip para sa pagseserbisyo. Napakarami na nilang natulungan bilang brodkaster at bilang pulis kaya alam ko na mas marami pa silang matutulungan sa senado. Magkakasama naming itutuloy ang mga nasimulan ko noong ako ay nasa kongreso pa at ipaglalaban namin ang karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino. Nagpapasalamat ako sa mga kababayn ni Idol Raffy dito sa Isabela sa inyong mainit na pagtanggap sa Team Monsour,” wika ni Del Rosario.
“Kung kami ay papalaring makapasok sa Magic 12 ng senado, excited akong makatrabaho sina Raffy Tulfo at Gen. Guillermo Eleazar na alam kong tapat ang puso at isip para sa pagseserbisyo. Napakarami na nilang natulungan bilang brodkaster at bilang pulis kaya alam ko na mas marami pa silang matutulungan sa senado. Magkakasama naming itutuloy ang mga nasimulan ko noong ako ay nasa kongreso pa at ipaglalaban namin ang karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino. Nagpapasalamat ako sa mga kababayn ni Idol Raffy dito sa Isabela sa inyong mainit na pagtanggap sa Team Monsour,” wika ni Del Rosario.
Discover more from GenSan News Online
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
Be the first to write a comment.